November 15, 2007
Natanggap ako sa aking apply papuntang Dubai, binili ko ang diary na ito upang itala ang mga importante kong gagawin
lalo na pag nakaalis na ako
December 5,
Isinangla ko ang aming bahay at lupa para pangbayad sa placement at medical
Dec 15,
Dumating ang visa ko at ang tiket ang alis ko dec 23 ng umaga
bigla akong napaisip ibig sabihin pasko magkalayo na kami ng pamilya ko
di bale para naman sa kanila ito
Dec 22
Umalis ako ng maaga sa socorro para maglakbay puntang maynila
umiiyak ako pero ang junior ko nagbibilin ng sapatos at kung anu ano pa ang asawa ko naman
pinapaalalang wag kalilimutan na may lupa at bahay na dapat tubusin
dec 23
0615 oras ng alis ng eroplano, dapat 3am nasa airport na daw kami sabagay
di naman ako nakatulog kagabi sa kakaisip sa mag ama ko, ala sais y beinte nagtake off ang eroplano
panginoon gabayan mo ako, wag mong pababayaanan ang aking mga naiwan
ng araw ding yon pagdating sa dubai international airport sinundo ako ng amo ko.
tinanong ako sa wikang arabo di ako makasagot kaya nag english na lng siya. nabasa ko sa
kalye welcome to sharjah
dec 24,
nagsimula na ako sa aking trabaho, dinatngan ko ang isang pilipina sya daw ang magtuturo sa akin, yun pala pauwi na sya
sa pilipinas bago magbagong taon, ng makatapos ako sa trabaho nagpahinga ako sa kwarto nahohomesick na agad ako
dec 25,
unang pasko na di kami magkakasama, gusto kong tumawag sa pinas kaso wala pa akong magagamit
mamaya makikiusap ako sa kasama ko sa trabahomabuti pag may kasama ako di ako nalulungkot pero pag nag iisa na naiiyak na ako
dumating ang kasama ko at nakatawag ako pero di ko makausap ang asawa ko lasing daw ang anak ko naman nasa kaklase daw
dec 27
ang allowance ko ibinili ko ng load para makausap ko ang mag ama ko, akala ko matutuwa sila pero
nagtatanong kung kelan daw ako magpapadala, diyos ko kadarating ko lang dito naghihintay na pala agad ng padala
dec 31,
mag isa na ako nakauwi na ang kasama ko kaninang madaling araw, mamaya bagong taon na, sa sweldo bibili ako ng simcard naisip ko
may dala naman akong roaming pero di man lang nabati ang mag ama ko, lalo tuloy akong nahohomesick, ganito pala ang nasa malayo
jan 1, 2008
tuloy ang trabaho, kailangang magsikap para makaipon agad at ng makauwi na
jan 15,
unang sahod ko pero may bawas dahil di pa daw kumpleto ang arawna ipinasok ko, ng pumunta ang driver nila na indiano
para mamili sumama ako para magpadala at bumili ng sim, awa ng diyos makakatawag na ako kahit walang natira sa sahod ko
january 20,
nagtxt ang asawa ko, natanggap na daw ang pera, babawas daw sya ng pambili ng cellphone para di daw sya nakikitxt sa
kapitbahay gusto daw nya may camera para magpapadala daw ng picture sa akin
january 21
nakabili na ng cp ang asawa ko nagtxt nangungumusta naman at wag daw alalahanin. un lamang anak namin medyo napapabarkada
february 1,
ngayon lang uli ako nakatanggap ng txt. anak ko naman ang nagtxt, nakalagay... "nanay kumusta po,
may project po kami, saka kailangan ko po ng damit na pang js, sa sunod na po ung pangbayad sa graduation"
february 2,
bumale ako sa amo ko, sinabi ko ang dahilan, binigyan naman ako, pinadala ko kaagad para makabayad ang anak ko
buti na lang at mabait ang amo ko... yon nga lamang sa sweldo konti na lamang tira sa sahod ko
february 15,
400 dirhams na lang ang natira sa sahod ko, nagtira ako ng 50, para pangallowance ko sakaling kailangan kong
tumawag o magtxt sa pinas
february 28
dumating galing amerika ang anak ng amo ko, ililipat daw ako ng amo, sa kanya na daw ako maninilbihan dahil wala syang katulong
medyo mayabang at palasigaw ang isang ito pati ang kanyang asawa,
march 1,
lumipat ako ng bahay, bago na ang amo ko, palautos at mas malaki ang bahay kong lilinisan. ganon din ang asawa nya
march 15,
tulad ng dati nagtira lang ako ng 50 dirhams para allowance ko lahat pinadadala ko para sa mag ama ko at paangtubos ng isinangla ko,
4 na buwan pa bago matapos tubusin
march 18,
tumawag ako sa maag ama ko tinatanong ko kung naging valedectorian ang anak ko, hindi daw dahil nagpabaya sa 4th grading
nagtaka ako di yata nagagabayang asawa ko ang anak ko, nagbayad na daw sya march 25 ang graduation
april 25,
nagtxt ang anak ko mag eenroll daw sya sa divine sa calapan ang kurso e engineering
tuloy ang takbo ng buhay, 3 buwan na lang matutubos na ang lupa at bahay kahit paano makakaluwag kami
june 6,
pasukan na daw ng anak ko, bilis talaga ng panahon may college na akong anak sana magsipag sa pag aaral ang anak ko,
miss na miss ko na silang mag ama
july 10,
inaway ako ng asawa ng amo ko, pinagseselosan ako, nagulat ako ng bigla na lang nya akong sampalin...
naiyak ako sa galit di ko alam kung paano mangangatuwiran
july 15,
hapon na di pa binibigay ang sahod ko kelangan kung magpadala ng pera dahil humihingi ng allowance ang anak ko
ganon din ang pangtubos sa bahay at lupa,
july 25
nagtxt ang kapitbahay ko may kabit daw ang asawa ko, ayokong maniwala pero siya ang kapitbahay na sa tuwina ay napapagkatiwalaan ko
nagsawalang kibo ako
august 15
ngaun ang tubos ng lote at bahay namin, makakaahon na kami, buti at pumayag na hulugan ang pagtubos, tinawagan ko ang asawa ko at sinabing magpapadala ako
lasing naman at di makausap ng matino
september 5,
gumuho ang mundo ko sa ibinalita ng asawa ko, nabuntis ng anak ko ang gf nya na kaklase sa kanyang paaralang pinapasukan
parang nawalan ako ng pag asa... di ko alam ang gagawin ko, dumami pa nag susustentuhan ko
september 30,
di pa ako nakakaahon sa unang pagsubok ng tumawag ang anak ko, ngayon lang sya tumawag simula ng dumating ako dito
kinabahan ako, sabi nya napatay daw ng pulis ang asawa ko dahil asawa ng pulis ang naging kabit ng asawa ko, panginoon ko anong plano mo sa akin
nagpaalam ako sa amo ko, ayaw akong payagan at sinabi na hindi ako makakauwi, ayaw din nilang ibigay ang passport ko
oct 1
nagpadala na lamang ako ng pera, panggastos at sinabi kong ipalibing na agad dahil magpakagalit man ako ay wala akong magagawa
november 4,
masaklap na balita ulit ang dumating sa akin, nailit ang bahay at lote namin, di pala nagbayad ang namatay kong asawa kahit singko sentimos, nakituloy na laang ang anak ko at
asawa nya sa kapitbahay ko...
nov 5,
di ako makatulog
nov 6,
hanggang ngayon di mawala ang sama ng loob ko wala pa din akong tulog
nov 8
bakit anak, bakit asawa ko
nov 9,
bakit panginoon
Nov 10
Bakit anak ko bakit asawa ko bakit panginoon ko?
yan na lang ang huling nakatala sa diary ng nanay ko. binasa ko ito matapos ibigay sa akin ang mga gamit ng nanay ko ng isang empleyado sa owwa
pinauwi ang nanay ko sa dahilang nawala na sya sa katinuan, dahil wala akong kakayahan destso sya sa mental hospital.nagpadala na lamang ako ng pera, panggastos at sinab
Ngaun lang ako namulat na hindi namin ni tatay pinahalagahan ang sakripisyong ginawa ni nanay. gusto kong humingi ng tawad
pero malamang di nya ako maunawaan dahil sa kanyang kalagayan. kealangan kong magtrabaho, nakakahiya na sa kapitbahay na tinutuluyan ko
gusto kong makuha ulit ang asawa ko.
Nagpaupa ako sa pagtatabas ng kalamansian. ngayon lang ako ako nakaranas ng ganito. dapat makaipon ako para mapuntahan ko si nanay
mahirap pala ang nag iisa sa buhay. di ko hahayaang mawala ng tuluyan sa akin ang nanay ko.
Lumipas ang isang taon na nasa mental si nanay, ako na lang ang nakatira sa bahay ng kapitbahay ko dahil naaprubahan na ang apply nila puntang canada
buti pa sila sama sama. kahit paano ay nakakaraos ako sa pamamagitan ng pag papaupa.
Dumaan ang pasko at bagong taon nag iisa ako, namimiss ko na si Nanay, ganon din ang aking mag ina na di ko pa nakikita.
May dumating sa akin na sulat galing sa hospital kelangan ko daw pumunta doon. kinabahan ako di ko alam kung anong nangyari sa nanay ko napausal ako ng dasal.
dyos ko pi wag po sana.
Kulang pa ang pamasahe ko kaya nagpaupa pa ako. nanghiram din ako ng pangdagdag sa pamasahe ko. ano kayang nangyari kay nanay?
February 14... valentines day, lumuwas ako ng maynila para puntahan ang nanay ko, agad akong nagtanong sa information. sabi sa akin bakit ngayon lang daw ako. at sinamahan ako
'punta sa nanay ko.
Nakita ko si nanay nakatalikod. tinawag ko sya "nanay, nanay, patawarin nyo po ako, humarap sya nakatingin lang sa akin. di yata ako kilala ni nanay pero bigla syang ngumiti.
Anak ko, anak ko ang sabi niya at patakbo akong lumapit sa kanya para akapin. salamat po panginoon at andito ang anak ko sabi pa nya.
No comments:
Post a Comment